Kasal

SAM_0896

Sumumpa ka nung Petsa Uno.

Ang buhay mo, simula ay noon.

Maglilingkod ka sa iyong mamamayan.

 

Lumuha ng dugo ang iyong mga mata.

Pagkawasak ng balakid, akala’y totoo ang nakikita.

Bobo pala ang iyong putang ina.

 

Sa tulong ng isang kasama, namulat ka.

Natuto ka kung ano ang pagkakaiba ng bobo at mangmang.

Hangad rin niyong dalawa na manatili sa pagiging peti-burgesya.

Payak dapat. Iwanan ang walang importansya.

Pasta sa Maginhawa.

Supot ng Herschel.

Sapatilya ni Sperry.

 

Hindi mo alam na matagal ka nang dinapuan ng Imperyalismo.

Hindi mo alam na ito ang ugat kung bakit hindi pagod mag-aklas ang mga pagod na magsasaka na siyam na pesos ang sahod.

Hindi mo alam na sa bawat masungit na saleslady sa pag-shopping mo ay mayroon siyang pasanin na pagkatapos ng anim na buwan ay wala na siyang pagkakakitaan.

Hindi mo alam na tisyu ay hindi man lang mailagay sa banyo ng mga kawani ng isa sa mga malls na iyong kinagigiliwan. Ultimo Christmas party, sa sariling bulsa ng maliliit na trabahor manggagaling.

Hindi mo alam.

 

Sa progresibong pamumuhay, uusbong ang isang pagsubok.

Sa bawat gusaling itinayo, ay mayroong malaking burgesya.

Isa kang FT, ngunit ang kurso mo ay doon ka kikita.

 

Iaalay ang bawat kilos kasabay ng paghinga.

Anuman ay isusuko, anuman ang kapalit.

Iikot ang buhay sa rebolusyon lamang.

 

Nakalaan ang aking pusong makabayan.

Walang iba, kundi sa mamamayan.

Hindi sa iyo. Hindi sa kanya.

Muli, hindi sa iyo.

Isasantabi ko ang damdaming para sa iyo.

 

Wala kang kinalaman sa kilusan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s