Kalay & Diggy

Can someone really understand

that only a sincere embrace

can be enough to ease the grief?

SAM_9166

Advertisements

#KadamayAko

Kaya nga tayo lumipat ng matitirhan to have a comfortable & safe place to be more efficient & productive members of society, ngunit sa mismong pamamahay at pamilya pa namin nararamdaman yung inseguridad at kawalang kapayapaan. Dapat ay may ‘say’ kami kung sino lamang ang maaring tumapak sa pamamahay, hindi yung ganito na natatakot ako na anytime may dadalaw na kung sinong ‘di ko gusto. Disoras ng gabi, mayroon pang mang-iistorbong walang konsiderasyon sa mga gawain sa kinabukasan.
Sa araw-araw na struggle natin sa buhay, ay karapatan nating mayroong maayos na uuwian.
Maging kami ay nakakaranas ng walang kalidad na bahay sa pisikal at hindi pisikal na katayuan nito.
Saan na naman kaya ako ngayon? Kila Dez? Sa church? Sa Gabhall? Sa Pandi?
Hindi e. Hindi tayo dapat sasama lang sa kanila dahil lang tumatakas ka sa bahay or what, dahil alam mong ‘kailangan’. Dahil alam mo kung gaano kalala ang suliranin ng pabahay at iba pang isyung hindi lamang sa pamilya, pati sa ibang tao.
Hindi dapat ako nag-iisip kung saan uuwi sa mga susunod na araw dahil in the first place, bahay namin ito.
Ngayon, sabihin niyo sa akin na hindi ako dapat maging aktibista. 🙂 Salamat sa pagpapaalala sa akin na mas lalong dapat #KadamayAko.
#KadamayKami #OccupyPabahay

Isang Bukas na Liham para kay Bessie Mae

Ang tulang ito ay sinadya para sa mga espesyal na babaeng nakasama sa SONA 2017 – ang unang beses na nakalapit ng bongga ang mga raliyista sa Batasang Pambansa. Naisulat ito matapos ko silang iwan sa bulto upang makapasok sa klase. Ang sulat na ito ay sinadya para sa kababaihan, ngunit iniaalay na rin ito para sa lahat ng nakaagapay sa rebolusyon. Ngayon #MarsoOtso, paalala ito na hindi man tayo lahat magkakasama ng lubos ay iisa lang ang ating paroroonan sa huli.

Huwag kayong malungkot kung ako ma’y lilisan…‘pagkat ang ating mga kasama ay marami ang bilang, at patuloy pang rumarami.

Huwag kayong malungkot kung ako ma’y lilisan. Nakikita niyo naman ‘di ba? Napakalawak ng ating hanay. Tibak man o hindi ay naki-isa sa ‘Kilos Suporta’. Dahilan na ito para ikasiya.

Huwag kayong malungkot kung ako ma’y lilisan. Hindi ko kayo iiwan na kikilos na kayo lang. Iiwan ko kayo sa isang makasaysayang araw na puno ng pag-asa. Hindi kayo mag-iisa.

Huwag kayong malungkot kung ako ma’y lilisan.

Gamitin niyong pananggalang ang sumbrero at manggas na aking iiwan…mga armas ng digmaan na magsisilbing kapalit ng aking presensya sa oras na dapat magkasama tayong nakikibaka.

Sa pagkakataong kayo’y umibig na dapat ako’y saksi, ay sana paki-ingatan ang inyong mga sarili. Nawa’y makatagpo kayo ng makakatuwang niyo sa relasyon at rebolusyon.

Huwag kayong malungkot kung ma’y isa pang lilisan. Balang araw, ay lilisan ang inyong asawa para ipagtanggol ang Inang Bayan.

Organisasyon muna bago relasyon ha?

Ang puso ko ay nagagalak magpaalam sapagkat wala akong pagsisisi na kayo ang mga huling kasama ko sa mga huling sandali na ito.

Kaya ‘wag kayong mag-alala, mga kapwa ko dalaga ni Oryang, kasabay ng bawat panawagan sa anyo ng huni at sigaw ay ang aking taus-pusong suporta.

SAM_2869

Abante, Babae! Palaban, Militante!

Prisma

Mahal kong Ernesto,

Baliw ka. Hindi ako nakipagkita sayo sa pinakamataas na palapag ng Gabriela Silang Hall upang makipag-agawan ng mikropono. Sapagkat kahit hindi magkasundo ang ating mga talumpati, ay iisa lang at makailang ulit ang ating mithiin. Hindi tayo tumapak sa entablado upang magpakilala sa tao bilang tayo lamang, karugtong nito ang baon nating kampanyang masa. Walang pagod ko kayong aakayin sa rebolusyon, Erning. Hindi kailanman tayo mauubusan ng pamamaraan upang maialay ang ating buhay para sa bayan. Maging ang dighay at utot nati’y konektado sa gawain ng isang mangingibig na kagaya natin.

Hindi tayo sabay na bumigkas ang konstitusyon at batas ng organisasyon, naghanap at nakinig sa forum ni Joma, tumakbo sa lokal & sentral na konseho, nakisalamuha sa mga katutubo ng Mindanao & Visayas, bumuo ng panibagong mga social circle kasabay ng pagpapanibagong-hubog ng ating mga sarili, nagbayad ng napaka-mahal na bill sa Max’s at sumumpang hindi na mauulit pagkatapos, nakitulog kila Sed na mala-bilanggong politikal, umakyat sa kabundukan ng Luzon, mang-iwan ng mga kaibigan para pumasok sa UP Fair, magturo ng kursong panlipunan sa Senior High, at manghikayat sa isa’t isa na umupo sa mga pulong – upang sa paghupa ng lahat ng alaalang ito ay mawawalan ng saysay ang ating mga paghihirap. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay(kung kakailanganin), tandaan mong mayroong 950 pesos ka pang utang na load kay Kuya James. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat marami ka pang hindi natatapos na gawain.

Hindi kita niyakap nang ilang ulit dahil sa kagustuhan ko, madalas lang talagang malamig ang simoy ng Amihan noong nakaraan at muntikan na rin panlalamig mo sa akin. Habambuhay ako magiging tapat sa ating panata, Erning. Ang panatang ito ay kaakibat ng pagiging tapat sa iyo lalo na sa tuwing pupunahin ko ang napakabagal mong kahandaan bago lumarga. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng Bayan at ng Diyos, tayo’y mananatiling bestfriends, classmates, comrades, enemies, & of course “warriors” ng ating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng anak upang sa hinaharap ay walang dadanas ng tagumpay na ubos-lakas nating pinaglaban.

Hindi man natin hawak ang loob ang iilan sa mga LTOs, pubs, at masa, tanganin natin ang ating pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan na walang ibang sagot sa kahirapan-kung hindi ang Digmang Bayan.

Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay punahin ka.

Ang pag-ibig mo ang aking droga ika nga ni Katy Perry,

Maria Mabini

16903154_10155188048654284_415752330570599163_o

 

[Ang orihinal na komposisyon na ito ay hinango mula sa sinasabing liham ni Andres Bonifacio para sa kanyang asawang si Gregoria de Jesus.]

Pre-election Pressure

This is an apology letter to a comrade. Campaign period will be on September 26 & 27. Meeting de Avance will be on September 28. Casting of votes will be on September 29 & 30. Masa muna bago landi.

Three months.

Three months of trying to loosen our grip on our intertwined fingers. Three months of trying hard to be posturing grownups. Three months of trying to be fused assets the world really needs.

Three months of keeping up.

Three months of keeping up on my spontaneity. Three months of understanding ‘The Impulsive Rosie’.

Spontaneous like the mouth of a panic. Spontaneous like the earthquake the PAGASA can’t even foresee. Spontaneous like the tears that I can’t even explain why they exist.

Spontaneous like the leadership that they want us to serve.

Sorry.

Sorry for the affection that turned to pain. Sorry for the comfort that turned to sorrow. Sorry for the lust that turned to love.

Three months.

Aywuvyu like the cakes I will walk for from UST even if I can baba to Morayta. Aywuvyu like the bus to SM Fairview even if I can board the bus to SM North naman. Aywuvyu like the comrades that doesn’t give up on the hope that the PC in Cata will be alive again.

In this intertwined fingers, there is a ray of hope. With this hope, the growth of society will be the world would want it to be.

In this world, we will be three in our family.

Nawawalang Pahina

SAM_1336

Isang araw…

 

Isang karaniwang araw sa klase

na napalilibutan ng apat na matitibay na pader…

Ha! Matibay nga ba? At isa ay hindi pader kundi kurtinang may mahika na napagkasya ang tatlong klase sa iisang kwarto?

Uulitin ko. Matibay nga ba – matibay ba para maisilong sila sa tag-ulan?

Ulan na pilit sumisiksik sa mga siwang gaya ng mga batang pilit sumiksik sa maliit na espasyo sa sahig.

 

Ayan na pala si Titser. Buksan raw ang aklat sa ‘Pahina Dose’.

Buklat, buklat, buklat!

Wala ang pahina dose.

Pati panlabing tatlo, dalawangpu’t isa, at talumpu’t anim na pahina.

Saan napunta?

Nawala na parang kaban ng bayan na hindi pa rin nalalaman kung sino ang nagkamali sa paghawak.

 

Hanapin daw ang panlabing-tatlong pahina.

Labintatlong taon ng pag-aaral na dapat ay labing-isa lamang.

Labintatlong taon na kukumpleto kuno sa sistema ng edukasyon, pero hindi magawang makumpleto ang mga pahina ng aklat na ito.

Dalawang taon pa bago tumapak sa kolehiyo, kung makakatapak ka nga.

Dalawang taon na aararo ang magulang hanggang mag-kolehiyo..

…kung makakapag-kolehiyo.

 

SAM_1331

 

Kriiiiiiing! Kriiiiiiiiing! Kring!

Sa wakas makakapagpahinga muna.

Labinlimang minuto para makakain, makalaro, o makipagdaldalan.

Pagkakataon na rin para bumili ng nilalako ni Titser.

Kapag ‘di ka bumili, okay lang!

Maiiwan ka lang naman mamaya para maging utusan niya mamaya. Okay lang. Napag-utusan din naman si Titser.

Kapag ‘di niya ginawa, okay lang! Pag-iinitan lang naman siya.

Labinlimang minuto para magpahinga…

para may sapat kang enerhiya upang makalakad pauwi..

Labinlimang piso na dapat ay pamasahe mo pauwi!

 

Kriiiiiiiiiing! Nag-ring uli uli ang bell, ngunit bigla itong huminto.

Baka nawalan ng kuryente, sabi nila.

Ay, luma na nga pala ang mga pasilidad dito.

Binuksan ulit ang aklat.

Hiwalay na mga pahina ang sumambulat.

 

Tinago mo ang aklat.

Baka ikaw ay panagutin sa pagkawasak ng aklat,

na kahit dapat ang managot ay ang mga lumapastangan sa pondong dapat na aayos sa kalidad ng paaralan..

 

..paaralan na dapat ay magmumulat sa atin sa katotohanan.

Ngunit, handog nito ay mga aklat na kulang ang pahina..

mga pahinang dapat naglalaman ng tunay na kasaysayan, at tunay na aksyon sa mga maaring mangyari.

 

Lumabas ka diyan sa kwartong iyan!

Nasa labas ang tunay na kalagayan.

Nasa labas ang katotohanan.

Nasa labas mo magagamit ang matutunan.

Huwag diyan sa eskwela na kahit dagdagan mo ng ilang taon ay kulang pa rin sa pahina.

 

SAM_1439

-Ka Bini

Chow King, SM Sta. Mesa

9 PM

 

Kawa-Kawa Hill

Ano bang babalikan mo sa Maynila?

 

Kumportable kang nakasandal sa iyong upuan.

Pumatak ang alas-nuwebe. Tumila ang ulan.

Ang bus umaandar. Hihinto. Aandar.

Nakabibitin ang pag-andar ng mga gulong.

Ang mga palad ay mariing nakayukom.

Gusto mo nang umalis. Hanggang kailan pa po ba, Manong?

 

Paalam muna, Maynila.

Ikaw ay pupunta sa lugar kung saan unang nangarap.

Ito ang lugar na kakanlong sa iyong marupok na pagkatao.

Pansamantalang kabataan ang naghihintay sa iyo.

Nanakawin niya lahat ng pag-aalalalang gumugulo sa diwa mo.

 

SAM_2418

 

Ano nga bang naghihintay sa iyo sa Maynila?

 

Oo, tama ka…Kaibigan.

Marami kang babalikan.

Ang iyong pamilya, kasama, at paaralan.

Babalik ka sa lipunang iyong kinagisnan.

 

Oo, tama ka…Kaibigan.

Marami pa sa ating kasama ang kailangang imulat.

Kailangan nating magpakatatag.

Bayan o sarili? Sarili o bayan?

Ang buhay ay hindi para sa sarili, kundi para sa bayan.

 

Oo, tama ka…Kaibigan.

Kung talagang seryoso siya ay noon pa lang maayos na.

Noon pa lamang ay hindi ka na nagdududa at nasasaktan.

Noon pa lamang ay umalis ka na.

 

Noon pa lamang ay umiwas ka na.

 

Ngunit babalik ka sa Maynila. Oo, tama ka uli, Kaibigan.

Babalik ka.

Babalik ka hindi dahil sa iisang tao.

Marami kayo sa inyong hanay. Mga kasamang nangangailangan ng kalinga at tulong mo.

Mga kasamang naniniwala sa kakayahan mo.

 

Ano nga bang babalikan sa Maynila? Marami.

 

Di baleng magduda sa pagmamahal sa iyo, kaysa sa pagmamahal ‘ko sa bayan ‘ko.